Ang Alamat ng Navotas
Noong unang panahon, ang kilalang Pambansang Pangisdaan ng Pilipinas ay sakop ng nauna ng bayan ng Malabon. Ang bayan na ito ay bata pa kung ikukumpara sa nasabing bayan. Ang makulay na mahigit isang daang taon ng Navotas ay nagmula sa isang hindi inaasahang mga pangyayari. Miski ako hindi ko talaga inexpect!
Dahil nga ang bayan ng Malabon ay napapalibutan noon ng mayayabong na kawayan (at labong), nagmistulang isang malawak na kawayanan ang dating lugar ng Navotas. Sa kabila ng isang mataas na pader ng mga kawayan, nakakubli ang isang mayabong lupain na naghihintay lamang na matuklasan.
Noong panahon ng mga Kastila, ang ating mga sugatang kababayang Katipunero ay napadpad sa dulong bahagi ng bayan ng Malabon upang duo'y makapagtago, makapagpagaling at makapag-ipon ng lakas. Ngunit upang makarating doon, kinailangan pa nilang gumawa ng isang butas upang makarating sa kabilang bahagi ng lupain. Kaya binutas nila ang isang bahagi ng kawayanan. Doon ay nagkubli sila sa mga kalabang Kastila at nagpagaling.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang kabilang bahagi ng Malabon ay may malawak na lupain at may isang malaking tanke ng oil depot. Sa hindi inaasang pangyayari, nabutas ang oil depot tank at kumalat ang langis na ngayon ay mas kilala sa tawag na ilog. Ang pagkakabutas ng oil depot tank ang nagsilbing hudyat sa mga bagong salta sa lugar na iyon na bigyan na ng sariling pangalan ang lupaing iyon. Hindi nagtagal,
humiwalay ang bagong tatag na bayan sa dating bayan ng Malabon. Tinawag iyong Nabutas na ng lumaon ay naging Navotas para naman daw sosyal pakinggan dahil sa letrang V na meron ito ngayon.
Direct Link to this BLOG:
http://randomtotsofme.blogspot.com/2008/01/ang-alamat-ng-mga-bayan-at-lungsod-sa.html

JAM_GUZMAN™