|
Viewing 1 - 9 out of 9 Blogs.
Nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?
*kumakain ka ba ng aratilis? *nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting? *pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog? *marunong ka magpatintero, saksak puso,langit- lupa, teleber-teleber, luksong tinik? *malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start? *may mga damit ka na U.S. .E.D., Boy London , Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
*nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
*gumagam it ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpa pirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo? *kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging? *gusto mong mag swimming parati, kasi gusto mong gayahin si Man of Atlantis *idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers *eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati? *nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
*cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref? *meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo? *noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at"alagang-alaga namin si puti"?
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon? *inabutan mo pa ng singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
*meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
*takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
KUNG ALAM MO L AHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-35 KA...
WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW?
Have A GreatPinoy Day !
Tags: Httpwww.greatpinoy.com
How Many People Fall In Love With Me? Ever wondered how many people fall in love with you and unknowingly how many hearts you break? Yes the probability of opposite sexes falling in love with you depends on some aspects of your physique and most aspects of your personality. It is always good to know this number to confidently approach the one you like.
Tags: Httpwww.greatpinoy.com
Some historians claim that Mother's Day originates in Ancient Greeks they celebrated a holiday in honor of Rhea, the mother of the gods; In ancient Romans celebrated a holiday in honour of Cybele, a mother goddess, March 22-25 - the celebrations were notorious enough that followers of Cybele were banished from Rome; in the British Isles and Celtic Europe, the goddess Brigid, and later her successor St. Brigid, were honoured with a spring Mother's Day, connected with the first milk of the ewes; in the US - Julia Ward Howe wrote the original Mother's Day Proclamation in 1870, as a call for peace and disarmament. (Civil War) - although a more amusing view would be from Erma Bombeck.
These are just for facts that Mother's Day is celebrated. "Why" we celebrate (or why anyone celebrates anything) is unique to that person and/or community.
"Mothers" are given a special celebration because of the sacrifices they make to carry a baby and rear a child until that child is able to fend for his/herself. Then there's always the physical pain of child-birth.
Life's truly a miracle, and mothers are the one's who substantially sustain life on this planet. Without our "Mother" we would not be the adults that we have become without their nurturing, friendship and guidance. Moms are caregivers, cheerleaders, counselors, nutritionists and so much more. We Love You Nanay!!!
Tags: Httpwww.greatpinoy.com
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad. Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America . Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila. Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket. Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++. Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo. Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America . Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan
Tags: Httpwww.greatpinoy.com
Mga Dapat at Di Dapat Gawin (Things To Do and Not to Do) - Kung kailangang lisanin ang mesa bago ka matapos kumain upang maglakbay, kinakailangang ipihit ang mga plato sa mesa upang maging maluwalhati ang iyong paglalakbay. (If you have to leave the table before finishing your meal in order to go on a trip, turn around the plates on the table so that your trip will be safe.)
- Huwag maglagay ng pera sa ibabaw ng mesa habang kumakain. (Do not put money on the dining table while eating.)
- Ang bilang nga mga taong nakaupo na kumakain sa mesa ay hindi dapat umabot sa labing-tatlo. (The number of persons sitting down in a meal should not add up to 13.)
- Kapag nagluluto, mag-iwan ng kaunting butil ng bigas sa sako at itali ito ng mahigpit. Sa gayon ang iyong mga bisita ay hindi uubusin agad ang iyong inihaing mga pagkain. (When cooking, leave a few grains of rice in the sack and then tie it tightly. This wayt, your guests will not consume all the food at once.)
- Kapag ikaw ay nag-iwan ng kaunting kanin sa kaldero, magkakaroon lagi ng makakain sa loob ng iyong pamamahay. (If you leave some rice in the pot there will always be something to eat in the house.)
- Kapag ikaw ay natinik sa pagkain ng isda, huwag mong ipagsabi kahit kanino; iyong ipihit ang plato ng makatlong ulit at ang tinik ay mawawala. (If a fish bone gets stuck in your throat, don't tell a soul; turn your plate around three times and the bone will disappear.)
- Mabuting gumamit ng plato sa pagsilbi ng pagkain sa iyong mga bisita. Ang pagpapala ng iyong mga bisita ay mananatili sa mga plato at magiging pagpapala sa iyong pamilya. (It is good to use plates when serving food to your guests. The grace of your guests will remain on the plates and be a blessing to your family.)
- Kapag ang isang estranghero o malayong kamag-anak ay dumating sa iyong tahanan, painumin mo muna siya ng tubig upang siya ay maghatid lamang ng mabuting balita. (When a stranger or distang relative arrives in your home, serve him water first so that he brings you only good news.)
- Kapag kumakain sa bahay ng mga di mo kilala, kainin lamang ang pagkain na nasa gitna ng iyong plato Ang mga mangkukulam ay ipinapalagay na naglalagay ng kanilang mga kapangyarihan sa tagiliran ng kanilang mga plato. (When dining in the home of strangers, always eat food from the center of the plate.)
- Huwag pagpatungin ang iyong mga maruruming pinagkainan, dahil ito ay magiging sanhi ng pagtataksil sa iyong asawa. (Do not stack dirty dishes one on top of the other, or it may lead to adultery.)
Tags: Httpwww.greatpinoy.com
Mga Babala at Pahiwatag (Warnings and Signs) - Kapag nahulog ang kutsara kapag ikaw ay kumakain, ikaw ay magkakaroon ng bisitang babae. Kapag tinidor ang nahulog, lalaki naman ang bisita, samantalang kung kutsarita, isang bata ang bibisita sa iyo. (If a spoon falls during a meal, you will be visited by a woman. If it is a fork, a man will be visiting, while if it is a teaspoon, it will be a child.)
- Ang babaeng palipat-lipat ng upuan habang kumakain ay magkakaroon ng maraming manliligaw. (A woman who switches seats many times during a meal will have many suitors.)
- Kapag ikaw ay nagpalit ng iyong permanenteng lugar sa hapag-kainan ng iyong pamilya, ang iyong mapapangasawa ay magkakaroon ng maikling buhay. (If you change your permanent place at the family table, the person you will marry will have a short life.)
- Kapag ikaw ay kumakain ng maraming sibuyas, ikaw ay magiging palikero o palikera. (If you eat too much onions, you will become a playboy or playgirl.)
- Ang pagkain ng maraming papaya sa araw-araw ay magpipigil sa iyong pagnanasang sekswal. (Eating ripe papayas everyday controls your sexual urges.)
- Kung ikaw ay biglang nabulunan habang kumakain, mayroong taong nakaalala sa iyo sa malayo, o di kaya ay kanyang nasasambit ang iyong pangalan. Upang malaman mo kung sino siya, agad kang humingi ng bilang o numero sa mga taong kasama mo habang kumakain. Ang bilang o numero na ibibigay sa iyo ay gamitin mo sa pagpili ng letra. Ang letrang papatak sa bilang na ibinigay sa iyo ay ang unang titik ng pangalan ng taong nakaalala sa iyo. (If you choke briefly at mealtime, someone far away remembers you, or is talking about you. To find out who that person could be, immediately ask for any number from the people who are eating with you. The number that will match a letter
Tags: Httpwww.greatpinoy.com
Ang Cellphone at ang Bible Ang cellphone laging hawak ipinapakita, Ang Bible laging nakatago at ayaw ipakita. Ang cellphone binibili kahit libo-libong halaga, Ang Bible ayaw bilhin, kahit isang daan ang halaga. Ang cellphone laging pinapalitan ng case, Ang Bible hindi man lang mabilhan ng case. Ang cellphone ay ayaw magasgasan, Ang Bible hinahayaang maalikabukan. Ang cellphone bihirang makaligtaan kung saan iniwan, Ang Bible madaling makaligtaan kung saan naiwan. Ang cellphone mahirap ipahiram, baka masira, Ang Bible madaling ipahiram, kahit mawala. Ang cellphone laging binabasa kung may bagong message, Ang Bible hindi binabasa kaya hindi makita ang message. Ang cellphone message masarap i-share. Ang Bible verse nakakalimutang i-share. Ang cellphone pinapakita ang lifestyle ng tao, Ang Bible nagpapabago ng lifestyle ng tao. Ang cellphone mabilis maluma, Ang Bible hindi naluluma. Ang cellphone message kung minsan ay late, Ang Bible laging on time ang message. Ang cellphone kailangan magload para mag-message, Ang Bible laging fully loaded ang message. Ang cellphone ay mahalagang gamit ng tao, pero ang Bible ay mas mahalaga kung gagamitin ng tao.
Tags: Httpwww.greatpinoy.com
Okey your quizzes here. Nakadag-dag ng knowledge. Sometimes it's funny. Keep up the good work.Thanks
|