Tanong: Sa sobrang hirap ng buhay ngayon, pinag-iisipan ko nang mabuti kung dapat na ba akong mag-change career mula office worker to nurse. Maari bang makahingi ng information kung ano ang mga dapat kong i-consider bago ako mag-enroll sa nursing school?
Sagot: Maraming mga Pinoy ang nag-shift na mula sa isang established job
patungong nursing para sa kapakanan ng pamilya. Ngunit hindi ito para
sa lahat. Bago ka mag-switch careers, narito ang ilang bagay na dapat
mong pag-isipan:
- Hanggang saan ang kaya mong i-sacrifice para makapag-transition bilang employee para maging estudyanteng muli? Willing ka bang i-give up ang iyong current job o kaya’y pagsabayin ang pagpasok sa opisina sa araw at pag-aaral sa gabi? Paano ang changes sa lifestyle? Kaya mo bang bawasan ang oras ng tulog mo gabi-gabi para makapag-aral ng mabuti?
- Financially prepared ka ba? Importante ang budget sa nursing dahil napakaraming pagkakagastusan dito.
- Ready ka bang harapin ang iba’t-ibang tasks gaya ng pagsabak sa sunod-sunod na case studies, pag-aalaga ng totoong mga pasyente at paggawa ng napakaraming paperwork?
Kailangang pag-isipan mong mabuti ang factors na nabanggit dahil
ito ang mag-dedetermine kung magtatagumpay ka sa bagong hamon na nais mong harapin. Marami din kasing nursing students (whether first-timers o second coursers) na hindi tumutuloy dahil sa mga sumusunod na dahilan:
- Realization na hindi pala iyon ang kanilang line of interest at mas sayang ang pera at oras kung itutuloy,
- Kakulangan sa pera,
- Pagbuti ng kasalukuyan o dating career gaya ng pagkakamit ng job promotion, at
- Pagkakaroon ng problema sa pamilya gaya ng pagkawala ng yaya or maid na tagapag-alaga sa mga anak o kaya’y hindi inaasahang pagbubuntis.
Send questions for OFW Hotline to editorial@ofwngayon.com.