Welcome Guest Login or Signup
Live Chat LIVE CHAT  |  Live Chat INSTANT MESSENGER  |  BOOKMARK
 |  LINKS
No. 1 Free Classifieds and Pinoy Social Networking.

BLOGS   WRITE NEW BLOG   EDIT BLOGS  
 
BLOG BROWSER


 
RSS
Ang Alamat ng NAvotas
Posted On 04/18/2008 22:38:27 by jam_guzman

Ang Alamat ng Navotas

Noong unang panahon, ang kilalang Pambansang Pangisdaan ng Pilipinas ay sakop ng nauna ng bayan ng Malabon. Ang bayan na ito ay bata pa kung ikukumpara sa nasabing bayan. Ang makulay na mahigit isang daang taon ng Navotas ay nagmula sa isang hindi inaasahang mga pangyayari. Miski ako hindi ko talaga inexpect!

Dahil nga ang bayan ng Malabon ay napapalibutan noon ng mayayabong na kawayan (at labong), nagmistulang isang malawak na kawayanan ang dating lugar ng Navotas. Sa kabila ng isang mataas na pader ng mga kawayan, nakakubli ang isang mayabong lupain na naghihintay lamang na matuklasan.

Noong panahon ng mga Kastila, ang ating mga sugatang kababayang Katipunero ay napadpad sa dulong bahagi ng bayan ng Malabon upang duo'y makapagtago, makapagpagaling at makapag-ipon ng lakas. Ngunit upang makarating doon, kinailangan pa nilang gumawa ng isang butas upang makarating sa kabilang bahagi ng lupain. Kaya binutas nila ang isang bahagi ng kawayanan. Doon ay nagkubli sila sa mga kalabang Kastila at nagpagaling.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang kabilang bahagi ng Malabon ay may malawak na lupain at may isang malaking tanke ng oil depot. Sa hindi inaasang pangyayari, nabutas ang oil depot tank at kumalat ang langis na ngayon ay mas kilala sa tawag na ilog. Ang pagkakabutas ng oil depot tank ang nagsilbing hudyat sa mga bagong salta sa lugar na iyon na bigyan na ng sariling pangalan ang lupaing iyon. Hindi nagtagal,
humiwalay ang bagong tatag na bayan sa dating bayan ng Malabon. Tinawag iyong Nabutas na ng lumaon ay naging Navotas para naman daw sosyal pakinggan dahil sa letrang V na meron ito ngayon.


Direct Link to this BLOG:
http://randomtotsofme.blogspot.com/2008/01/ang-alamat-ng-mga-bayan-at-lungsod-sa.html




JAM_GUZMAN™

Tags: Para Sayo To Ms Aileen



Bookmark:


Viewing 1 - 2 out of 2 Comments

From: yatot
05/15/2008 02:42:12
wow... ang galing naman nito.. nakakatawa... para kilala ko kung sino ang may-ari nito! http://randomtotsofme.blogspot.com/2008/01/ang-alamat-ng-mga-bayan-at-lungsod-sa.html


From: akoypinoy
04/23/2008 01:37:56
hello pakigawa naman ng ALamat ng Tacloban, Cumadcad, o kaya Tondo. Salamat