Welcome Guest Login or Signup
Live Chat LIVE CHAT  |  Live Chat INSTANT MESSENGER  |  BOOKMARK
 |  LINKS
No. 1 Free Classifieds and Pinoy Social Networking.

BLOGS   WRITE NEW BLOG   EDIT BLOGS  
 
BLOG BROWSER


 
RSS
Nuon at Ngayon
Posted On 04/18/2008 22:32:38 by jam_guzman

Nuon at Ngayon...

Ang masakit na katotohanan tungkol sa buhay-buhay...
Ang haba ng pamagat ng bago kong BLOG!

PangBDay ko sa inyo!
Whahahahahahahahaahahahahahahahahahahahahahaha!



INTRODAKSYON:

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa Katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.


Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik.

Simulan na na'tin... Onting kwentuhan lang tungkol sa mga taong walang pakiramdam.
Simulan natin... ang mga pilipino daw NUON kilala sa mundo bilang sa pagiging maginuo at pagiging magiliw., NUON YUN! Ganun parin kaya ang pagkakakilala sa'tin ng mga banyaga? (wow! ang lalim nun...) ibig sabihin eh... ng ibang tao. (UN LANG!)

Simulan natin sa mga bagay bagay na madalas nating nakikita sa paligid. Tulad halimbawa ng...
Unang una sa lahat... tayo ay sikat pagdating sa BAYANIHAN! WOW GANDA!!! Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling
indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano. Ngayon tutulungan ka ng mga tambay pero wag ka pakasiguro kadalasan o karamihan sa kanila may bayad o pag minalas malas ka mananakawan kapa! Eto pa isa... Pakikisama Ang Pakikisama, ay kaugaliang Pilipino na nais ay maging maganda ang pakikitungo sa iba. HAAAAAA! SARAP PAKINGAN!  sila ngayon yung mga taong tanghali palang lasing na,tapos manggugulo tapos pag lasing na uumagahin sa mga waiting shed o sa susunduin nalang kinabukasan ng asawa sa barangay outpost., at pag tinanung ng magulang o asawa?!? anu isasagot? "napasarap lang sa inuman, NAKIKISAMA EH!" WAHAHAHAHAAHAHA! nakakatawa kang tao ka oh! tsk! tsk! tsk! At Hiya: ETO ASTIG! Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi napat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob. Kahit wala ipangungutang...  Baka ikaw na to'!?!  Sila naman yung mga pinoy na sadyang pinagpala at masagana ang buhay... bakit kamo?!? Syempre pagkagising mo hahainan kapa,tapos pagbubuksan kapa ng t.v. tapos hihiga ka sa sofa matutulog ulit sa tanghali tapos ipagluluto ka ulit ng hapunan pagkatapos matutulog ka nalang ulit. BIGTIME!  Eto pa... pag sinuwerte; wag ka mag-alala! may naglaba narin ng mga damit mo!KAPAL MO! ganun lang ginagawa mo 24 oras, 7 araw 1 linggo  Yun pala wala ka naman trabaho, ni hindi ka rin nagbibigay kahit pambiling sabon tapos nagbibisyo kapa lakas mo pa kumain! WHAHAHAHAAHAHA! Di pa tapos... NAKIKITIRA KA LANG PATI... WHAHAHAHAHAHAHAHA! NO COMMENT! Kaw anu masasabi mo? Isasabay ko na... Pakikisama: Ang Pakikisama, ay kaugaliang Pilipino na nais ay maging maganda ang pakikitungo sa iba. Di'ka marunong nito... Tapos sabay banat ng... Utang  na Loob: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang Hindi lumingon sa pinanggalingan ay Hindi makararating sa paroroonan
Para sa'kin eto ang di'ko matnggap... Na ang mga pinoy daw MAGINUO... PERO NUON LANG YUN! Nang narinig ko yun nagulat ako bakit hindi naba ngayon!?! NAkakahiya man pero ganun na nga siguro... simple subukan mo pumara ka ng taxi uunahan kapa o kaya pinaka maganda sumakay ka ng bus lalo na tren... umarte ka ng inaantok o pagod tignan ko kung may tatayo para sa'yo ibigay upuan nila... Nangyari nga sakin isang beses sumakay ako lrt napaaway pa ata ko sa isa ring kapwa ko estudyante dahil sa matandang sumakay., nakatayo ako nun sya naman nakaupo. siguro may 2 istasyon na nakatayo yun matanda. tapos may naawa babae sya yung tumayo para ibigay upuan nya sa matanda. (di'ko mapigil eh!) sabi ko sa lalake "Bat' di ikaw tumayo?!?" (e'di para nakong superhero!) NAKS! LAKAS NG DATING N0H!? Ang style nya TULUG TULUGAN ang p*#@!

haaaaaay!Talaga bang ganto na tayong mga pinoy? Talaga bang... May pag-asa pa'ba???





ANO KA'BA!?! MERON SYEMPRE!!! Kung meron ka nito:

Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.

Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako sa iba at hindi paiba iba ng opinyon.
 E di Congratz!  Karapat dapat kang tawaging "GREAT  PINOY"




Wala akong balak siraan ang mga kapwa ko pilipino., ang sa gusto ko lang e mauntog kayo ng onti sabay maiisip nyo OO NGA NOH!?! kala nyo wala kayo mapupulot sa'kin?... KALA NYO LANG YUN! tataas din points ko! WHAHAHAHAHAHA haaay! nakakapagod din maging henyo!





At para sa mga taong di makaramdam... ETO KA!!!





Paalam na mundong malupit!


Damn im GOOD!
JAM_GUZMAN™

Tags: Ganito Ka'ba



Bookmark: