Ang Alamat ng Malabon
Noong unang panahon, mahigit apat na raang taon na ang nakalilipas, walang sariling pangalan ang ngayon ay tinatawag ng lungsod ng Malabon.
Dati daw, napapalibutan ang bayan na ito ng mga labong, isang uri ng murang (baby) kawayan o bamboo.
Minsan, may napadpad na kusinerong estranghero sa bayan na ito. "Ano ba yan? Ma-labong naman dito! Eh, allergic kaya ako sa labong! Amf!" Sa hindi sinasadyang pagkakataon, narinig iyon ng kabesa de barangay o ng punong tagapamahala ng bayan.
Naisip nya... "ay maganda yang pangalan para sa bayan namin a... Ma-labong!" Simulan nuon ang bayan ay tinawag na Malabong... na ng lumaon ay naging bayan ng Malabon. Ngunit ang Malabon ay kilala sa paggawa ng kilalang Pansit Malabon. Kung ano man ang kaugnayan ng labong sa pansit ay hindi ko talaga alam!
Direct Link to this BLOG:
http://randomtotsofme.blogspot.com/2008/01/ang-alamat-ng-mga-bayan-at-lungsod-sa.html
JAM_GUZMAN™