Welcome Guest Login or Signup
Live Chat LIVE CHAT  |  Live Chat INSTANT MESSENGER  |  BOOKMARK
 |  LINKS
No. 1 Free Classifieds and Pinoy Social Networking.

BLOGS   WRITE NEW BLOG   EDIT BLOGS  
 
BLOG BROWSER


 
RSS
Naaalala Mo Pa Ba Nung Ikaw ay Bata Pa?
Posted On 11/27/2008 16:06:27 by KERI

Nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?

*kumakain ka ba ng aratilis?  
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?  
*marunong ka magpatintero, saksak puso,langit- lupa, teleber-teleber, luksong tinik?  
*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?  
*may mga damit ka na U.S. .E.D., Boy London , Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

*nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

*gumagam it ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpa pirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?  
*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?
*gusto mong mag swimming parati, kasi gusto mong gayahin si Man of Atlantis
*idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers

*eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?  
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?

*cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?  
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?  
*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at"alagang-alaga namin si puti"?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?  
*inabutan mo pa ng singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

*takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO L AHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-35 KA...

WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG...
DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW?


 Have A GreatPinoy Day !

Tags: Httpwww.greatpinoy.com



Bookmark:


Viewing 1 - 4 out of 4 Comments

From: ichatu4ever
11/29/2008 04:37:35
Ay! nahulog ako diyan sa puno ng aratiles kaaabot sa medyo pula pulang bunga niyan... sus, nilalagay ko sa baso, tirisin tapos ng lagyan ng gatas at asukal.. parang sorbetes na labas pagkagaling sa pridyeder!

parang ayoko maalala yung "tira-tira"... nagasira ang mga ngipen ko dyan ay!


From: zynofava
11/29/2008 03:50:22
have read this one for so many times, yet it's always been fun reminiscing the past... enjoy reading while passing to the memory lane...

thanks for posting this keri!


From: KERI
11/29/2008 00:23:25
LoL.Tutuo nga noodles na tawag natin.Have A GreatPinoy Day


From: UKFOX
11/28/2008 23:09:46
OK tong blog mo, meron akong dagdag.
Pagbirthday mo laging may pansit na handa si Nanay, ngayon nasa UK ka noodles ang tawag. Hapi bertday bro..LOL