naalala pa ba nuong tayo'y nagsasama.
namamasyal tayo sa Luneta kahit walang pera.
Magkaakbay at magkahawak kamay.
Hindi man lang dumapo satin ang kagutuman dahil sa sobrang kain ng suman.
Lagi mo akong hinahagkan at galit ka kung mapasulyap sa iba.
sarap ng buhay noon, lagi tayong masaya.
pinagluluto kita ng ginataang laing at langka na may sili.
magkasabay din tayong kumain ng kamote at linupak
ang paborito mo nga ay chicharong bulaklak
kahit sobrang laklak ko at sumuka sa paginom ng alak
nandoon kaparin saking tabi.
Ngunit lumipas ang panahon ng may meet kang foreigner
na may Laptop at hi tech na cellphone, bigla nagbago ang ihip ng hangin
iniwan ako nang iisa at basabasa sa ulan, nag bago ka nga.
naghintay parin ako ng mahabang panahon hangang sa ilabas ang bagong Iphone wala ka parin sa home.
hangang ngayon kahit nasa ilalim ako ng tree listening to my MP3 wala ka paring paramdam.
sana mabasa mo to kahit nasa auto ka
at maalala mo si manoy na paborito ang chips ahoy.
aliw parin ako sa'yo o giliw ko.
Naaalala mo pa ba?
Tags: Naremember Mo Paba Cute