Welcome Guest Login or Signup
Live Chat LIVE CHAT  |  Live Chat INSTANT MESSENGER  |  BOOKMARK
 |  LINKS
No. 1 Free Classifieds and Pinoy Social Networking.

BLOGS   WRITE NEW BLOG   EDIT BLOGS  
 
BLOG BROWSER


 
RSS
Ang Pakikibaka sa Saudi Arabia
Posted On 10/06/2008 00:17:59 by ichatu4ever
Napadpad ako sa gitnang silangan, dito sa lupain ng mga arabo at camelyo kung saan mayaman sila langis.. ang Saudi Arabia.. 

Siyempre, ang isang dahilan ng pagpunta ko rito ay ang kahirapan sa ekonomiya ng ating bansang sinilangan. Mahirap man sa kalooban ay tiniis na mamasukan kahit may kaunting pag aalinlangan. Sobrang init, umid, at lamig ang kalimitan na nararanasan. 

Maraming magaganda at malalaking Kumpanya sa Saudi Arabi. May maliliit din na sobra.
Sa kumpanyang aking napasukan, hindi ko naman masasabing ito ay maganda, hindi rin naman sobrang pangit. Kumbaga ay nasa gitna lang. Kung tutuusin, kahit na ano pa man ito, ang alam ko ay nakatulong pa rin ito ng malaki sa aking kabuhayan. Sa kumpanyang ito pa rin nanggaling ang karamihan ng magagandang bagay na natamasa ko sa aking buhay. 

Iba ibang lahi kami dito. Sa mahigit na 24 libong empleyado ng kumpanyang ito, nasa 20 libo ang Pilipino. Ang dami no! Iba ibang klase ng tao ang makakasalamuha mo. Mayrong may kaya sa buhay, may dating mayaman, pero siyempre mas nakararami yung salat sa kahirapan. Yung iba nga, nanggaling pa sa malayong probinsiya ng Visayas at Mindanao at hindi pa nakakatuntong ng Maynila, deretso na dito sa Saudi Arabia.  

Libre tirahan, Libre pagkain, Libre transportasyon. Maganda sa pandinig di ba? Kampo ang tawag sa tirahan namin dito. Tipikal na tirahan ng mga trabahador sa isang kunstroksyon. Sa isang Kampo namin na malapit sa lugar ng trabaho, naglalaman yon ng kulang kulang sa 12 libong katao.

Isipin mo na lang kung gaano karami ang palakad lakad sa loob ng kampo na yon kapag gabi at araw ng pahinga.
 Isipin mo kung ilang kilong bigas ang sinasaing ng mga kusinero sa lutuan, ilang kilong manok at tipak tipak na baka mula sa repridyereytor ang inilalabas sa araw araw para ihanda sa mga susunod na lutuin, gaano karaming kape at asukal ang nakahanda sa umaga sa almusal, at kung ano ano pa para matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng 12 libong tao sa araw araw. 

Okay lang yon di ba? pero ano ang maexpect mo sa ganon karaming lutuin para sa 12 libong tao? Ano na lasa non? Naluluto ba ng maayos yon? Nakakain pa ba ng nakararami ang resulta non?
 Kung tutuusin, nasasabi pa rin ng iba nating kababayan na mas maganda pa rin ang buhay nila kumpara sa mga nakaraan nilang napasukang kumpanya. Marami ang nagtitiis para sa pamilya sa pilipinas. Mga bagay na hindi direktang nalalaman ng miyembro ng pamilya ng bawat isa. 

Maraming kwento sa loob ng kampo. May nagkakasakit, may binabangungot, may namamatay, may nagpapakamatay. Sana lang huwag na lang madagdagan pa. Kung ano man ang dahilan ng mga pangyayaring yon, huwag na lang sana maulit pa sa iba. 

Para ka ring nasa Tondo pag nasa loob ka ng kampo. Sa iba’t ibang klase ba naman ng tao na palakad lakad at naninirahan doon. May mga nagnanakawan ng gamit, pera, alahas at iba pa. May away na nauuwi sa sakitan, saksakan at kulungan. 

Hindi lahat maganda. Hindi rin lahat pangit. May aral na karanasan, may matutunan bukod sa pakikibaka at pakikisama sa lahat ng uri ng tao, kababayan man o hindi dapat may pagkakaisa at kapayapaan…

Mayron ding dito natutong magbalik loob sa panginoon. Mga kababayan nating sumapi sa mga aktibong relihiyon at organisasyon patungo sa mabuting daan.

Marami pang iba. May mga taong dito na nila inilalabas ang tunay na dikta ng kanilang pagkatao. Mga bagay na di nila mailabas sa lugar na kanilang kinalakihan. Mga dating tito na ngayon ay tita na..

Sa aking pananaw, ang pagpunta sa Saudi Arabia ay hindi lamang naaayon sa kabuhayan kundi pati na rin sa pakikibaka sa tunay buhay. 

Marami rin naman sa ating kababayan ang nasa Saudi Arabia na may magandang buhay. Mayron na kasama ang pamilya, mayron din na may bago nang pamilya at meron din namang nakikipamilya.. 

Swerte swerte lang siguro..

nasa guhit din yan..
 


Naks! Part 1 pa lang to hehehe.. ibig sabihin, may Part 2, semi Final or Final episode pa yan hehehe..

Tags: -ichatu4ever-



Bookmark:


Viewing 1 - 1 out of 1 Comments

From: gerry
10/06/2008 16:26:33
ang galing naman nang sulat mo manoy, naway ang aking dasal ay maging ligtas lahat ang ating kabayan sa lahat ng sakit at sa mga sakuna, talagang napakahirap ng mawalay sa ating bansa, ako rin ay nagtungo sa saudi at naranasan ko ang lahat ng hirap at konting sarap, minsan parating lungkot, pero bayani kayo ng ating bansa, kaya Mabuhay ka, Mabuhay kayo kabayan pati na mga oragon.
Wish ko rin na yung mga libo libo nating kabayan na makasama natinsa Great pinoy dahil kayo talaga ang mga great pinoy ng Pilipinas.
Mabuhay ka kabayang ichat4ever. Magbabasa uli ako ng mga ibabahagi mong BLog.