Faith can move mountains and nagmo-motivate sa akin. Bata pa lang ako iyon na ang paniniwala ko hanggang ngayon na nagka anak na ako. Para sa akin, sa faith nagsisimula ang lahat...Faith kay God, Faith sa sarili, Faith sa pamilya, Faith sa asawa, Faith sa anak, Faith sa kapwa-tao atbp. Malayo ang nararating ng Faith. Ang faith sa pagdarasal ay kailangan. Anytime pwede kang magdasal pero ang tanong eh, may faith ka ba na kaya Niya? Walang silbi ang pagdarasal kung may question mark sa puso mo. Kaya ang pinakasagot pa rin sa mga dasal ay nasa paniniwala mo. Nasa tao mismo. At ito ang isa pang pinasasalamat ko sa Kanya. Lagi akong may supply ng faith from Him. Ang nice Niya diba?
Masaya ako.
Salamat sa mga nag comment...sa pagsulat ko dito napatunayan ko na iba talaga ang pinoy. Hindi man tayo magkakakilala pero ang pagpapahalaga natin sa kapwa tao ay nangingibabaw pa rin. Mabuhay tayong lahat. 


Tags: Meditation Pa Rin