Nagpunta kami ng asawa ko sa Tagaytay kahapon, after kong magsulat dito ng kaunaunahan kong sulat. May nakapagsabi sa akin na sa Pink Sisters Church sa Tagaytay ay natutupad talaga ang mga wishes mo. Kaya napagkasunduan namin ng asawa ko na subukan. Last year pa ito sinabi sa akin ng dati kong kapitbahay na nasa Canada na ngayon. At napatunayan ko ito ng makauwi na kami sa bahay. Good news agad ang sumalubong sa amin at hanggang ngaun umaga ay goodnews pa rin. Simple lang ginawa namin ng asawa ko sa Church ng Pink Sisters. Nagdasal, nagsulat sa papel, inilagay sa sobre at inihulog sa hulugan ng mga petitions and intentions letter...tapos dun na nag-umpisa ang lahat. Alam ko marami pang darating na goodnews because I Believe in Miracles. Masayang-masaya ako at gumagawa talaga Siya ng paraan para makarating ang pagmamahal niya sa amin. Thank God.
Ang lakas ng prayer mo natupad kaagad. God bless kabayan, san bayang Pink sister na yan? Paki bigay mo naman yung address para pagnabakasyon ako, check ko.