Tanghaling Tapat nang Dumating si LORD
may nagtitimpla ng kape...
may pumara ng jeep.
may nahulog sa hagdan.
may kumakain ng siopao.
may dumukot sa bulsa.
may nagseseks.
may naninilip.
may kumukontra.
may nandadaya.
may naamoy na mabaho.
nag-log-out sa friendster.
nakagat ng aso.
nanood ng porno.
natapunan ng kape.
napaidlip sa bus.
sa sofa.
sa ilalim ng puno.
napaluha sa saya.
natalo sa pusta.
nalaglag ang pustiso.
nanalo ka sa lotto.
nang may bumagsak na bomba.
***********
Tinapay
sa kahon, sa iyong kamay
mahaba sa iba
maikli sa iba
minsa'y tama lang
pero laging kulang
nalalaglag
natatapon
natitikman
natatanggihan
madaling maubos
madaling mapanis
gumugulong
nababawasan
lumilipas
pero pwedeng itabi
pwedeng itapon
parang oras.
nasasayang
Tags: Rushrash Poetry Tula Blog Life Funny Pinoy Tagalog